Advertisers
PINAHIYA ng Ecuador ang host country na Qatar matapos gulpihin nila sa unang laro 2-0 sa group A sa opening game ng FIFA World Cup 2022.
Bumida sa panalo ng Ecuador si Enner Valencia na siyang nakapagtala ng dalawang goal ng Ecuador.
Nagkaroon ng malaking hamon ang Ecuador ng makaramdam ng pananakit ng kaniyang tuhod si Valencia sa 77 minuto ng laro kaya pinalitan ito ni Jose Cifuentes.
Tila naging susi sa Ecuador para manalo ang naging hindi pagbilang sa unang puntos nila ng tawaging offside sa unang limang minuto ng laro.
Nagtala rin ng record ang Qatar dahil sila lamang ang host country na natalo sa opening game sa kasaysayan ng FIFA World Cup.