Advertisers
NAKITANG palutang-lutang sa ilog ang bangkay ng isang miyembro ng LGBT community sa Caloocan.
Kinilala ang biktima na si Donna Nierra, 23, pangatlo sa anim na magkakapatid.
Sa ulat, may mga sugat sa ulo ang bangkay ng biktima nang matagpuan nitong Lunes ng umaga sa Barangay 176, North Caloocan.
Kuwento ng tatay na si Ricky Nierra ng biktima, nagpaalam si Donna na may lakad sila ng kanyang mga kaibigan nitong Sabado ng hapon. Hindi na ito umuwi mula noon.
Dagdag pa nila, wala silang alam na kaaway ni Donna kaya palaisipan sa kanila ang nangyari rito.
Wala rin silang hinala kung ano ang motibo sa pagpaslang.
Pero ayon sa kapatid niyang si Mae Ann, posibleng taga roon lang din sa kanila ang salarin.
Iniimbestigahan pa ng Caloocan Police ang insidente. (Beth Samson)