Advertisers

Advertisers

UDM SCHOLAR, 2 PA ARESTADO SA ‘TSONGKI’

0 231

Advertisers

NAHULI ng mga tauhan ng Tactical Motorcycle Rider Unit (TMRU) ng Manila Police District-Police Station 1 ang tatlong lalaki kabilang ang isang scholar ng Unibersidad de Manila nang makumpiskahan ng apat na sachet ng marijuana nang sitahin Linggo ng hatinggabi sa Quirino St.,Tondo,Maynila.
Kinilala ang mga naaresto na sina KlJamil Nicolas, 20 , estudyante ng UDM at taga- 91-C Quirino st., Brgy. 107, Tondo; Rushrey Talavera, 2, ng 1545 Quirino st. Brgy. 107; at Red Andrei Manalo,18, ng 1618 Lacson st., Tondo.
Sa report, 11:30 ng gabi habang nagpapatrulya ang grupo ng TMRU sa lugar nang mapansin ang tatlo. Sinita nila ang mga ito at dito nakita ang apat na sachet ng marijuana na nagkakahalaga ng P1,500 at tube pipe.
Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Sec. 8627 RO, Sec. 8616 RO at Sec. 11 & Sec. 12 Art. II of R.A. 9165 kilala bilang Comprehensice Dangerous Drug Act of 2002. (Andi Garcia)