Advertisers

Advertisers

James huminto sa studies, pinagkakakitaan ng mga klasmeyt; Toni prayers ang tulong sa kaibigang si Vhong

0 244

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

GRABENG lungkot ang naramdaman ng TV host-actress na si Toni Gonzaga nang kunan ito ng reaksyon sa pagkakakulong ng kaibigan at naging leading man sa mga movie.
Dalawa ang movies na nagawa nina Toni at Vhong Navarro, ang D Another’s at My Only You.
Till now kasi ay di pa rin pinapaboran si Vhong na madinig ang kanyang kahilingan na makapagpiyansa para sa pansamantalang kalayaan.
Naaksyunan na lilipat na ang actor from NBI to Taguig City Jail na labis na ipinag alala ng mga kaanak ng TV host-actor.
Sobrang ppkalungkutan naman ang nadama ni Toni at wala itong magawang tulong kungdi ipag-pray ang kaibigan.
Wish nito na matapos na ang pinagdaraanan ni Vhong sa buhay ngayon.
***
IKINALOKA ng netizens ang tsikang isang buwan pumasok sa eskuwelahan si James Reid.
Sa Makati Science High School daw nag- aral si James.
Sa panayam kay James ay inihayag nito ang tunay na reason ng kanyang paghinto sa pag-aaral.
Tsika ng ex-bf ni Nadine Lustre kaya ito napatigil ay dahil sa kanyang mga kaklase.
Ang mga kaklase daw nito ay pinagkukunan siya ng picture.
At ang ikinaloka ng actor-singer-producer ay itong matapos siyang kunan ay ibinebenta pa sa ibang students.
Kaya naman kapag papasok na ito sa campus ay naghihiyawan na ang mga ito.
Yun ang matinding dahilan ng binata kaya napatigil ito sa pag-aaral.
Sa pag-alala pa ni James ay minsan na raw siya na-trap nung kasagsagan nang maging Big Champ ito sa reality show na PBB.
Well, well, well…’Yun na!