Advertisers
Pinangunahan ngayong araw ni Mayor Eric L. Olivarez ang pamamahagi ng Christmas Cash Gift, kasama ang mga grocery items sa 2,294 na senior citizens ng Barangay Tambo noong Nobyembre 17, 2022 sa Seaside Covered Court, Parañaque City.
Ayon sa Office of Senior Citizen Affairs (OSCA), may 68,000 na senior citizens ang makakatanggap ng cash gifts na nagkakahalagang P500.00 para sa mga 61 to 74 years old, P1,000.00 sa mga 75 to 84 years old, at P2,500.00 naman para sa mga 85 years old pataas. Kasama rin sa binigay ang kanilang Noche Buena food packs.
Ayon kay Mayor Olivarez, ang Pasko ay isa sa mga oportunidad na kung saan maaaring ipakita ng lokal na pamahalaan ang importansiya ng bawat senior citizen.
Ang lokal na pamahalaan ng Parañaque ay naglaan ng P200,000 worth na gift bags o Pamaskong Handog sa kanilang residente ngayong Pasko, na kung saan magsisimula ang pamimigay sa Disyembre 1 hanggang Disyembre 12.
Kasama ring dumalo sa pamamahagi ng Pamaskong Handog para sa mga senior citizens ay sila (mula kaliwa) Special Services Office (SSO) OIC Ms. Majel Co, General Services Office (GSO) OIC Ms. Josephine Mary C. Centena, City Environment and Natural Resources Office (CENRO) OIC Mr. Mark Allen Besa, at 1st District Congressman Edwin L. Olivarez.