Advertisers

Advertisers

Lakers vs Heat

0 507

Advertisers

Mukhang marami tayong kababayan na mahihirapan pumili sa susuportahan nila sa NBA Finals between the Los Angeles Lakers at Miami Heat.

Alam naman natin na maraming Pinoy fans ang Lakers lalo na nang lumipat sa kanila si LeBron James. Pero mahirap balewalain ang Heat na pinapangunahan ng kanilang coach na si Eric Spoelstra na may dugong Pilipino.

Maraming storylines na susubaybayan sa NBA Finals. Una na rito ang LeBron-Heat angle. Alam naman natin na nanggaling sa Miami si LeBron at doon niya nakuha ang kanyang unang kampeonato.



He won two championships and two Finals MVPs with the Heat at siya ang unang NBA player na makakaharap sa Finals ang dati niyang koponan kung saan siya naging Finals MVP.

Hindi rin naging maganda ang paghihiwalay nina Pat Riley na team president ng Heat at LeBron. Nagbitiw daw kasi ng masasakit na salita si Riley nung nagpasya si LeBron na bumalik sa Cleveland. Ang mga masasakit na salitang iyon ang ginawang motivation ni LeBron para pangunahan ang Cavaliers sa kaisa-isahan nitong titulo.

Paboritong manalo ang Lakers ngayong taon dahil sa tambalan nina LeBron at Anthony Davis. Pero merong mga pangontra on the defensive end ang Heat against the two superstars ng Lakers.

Bam Adebayo has upped this game this season especially sa playoffs and he has the tools to defend Davis inside and out. Nasa Heat din ang tatlo sa mga matitinding perimeter defenders na pamilyar na sa pagdepensa kay LeBron – Jimmy Butler, Andre Iguodala at Jae Crowder.

Pero iba pa rin talaga kapag may LeBron ka sa iyong koponan. This will be the 10th time na nakapasok sa Finals si LeBron, including nine of the last 10.



It is a record in modern NBA na mas maraming teams na kasali at mas unpredictable ang results. Dalawa lang ang players na mas maraming Finals appearances kay Lebron at iyon ay sina Bill Russell at Sam Jones ng Boston Celtics with 12 and 11, respectively. Iilan lang ang teams sa time nina Russell at Jones at laging overwhelming favorites ang Celtics noon.

Kahit na nasa 17th season na si LeBron ay patuloy pa rin niyang pinapatunayan na siya ang best player sa buong mundo. Isa sa pruweba ang 38 points, 16 rebounds at 10 assists na kinamada niya sa close-out game nila against the Denver Nuggets. LeBron scored 16 of his points in the fourth quarter of that game, including nine straight in the closing minutes na siyang tuluyang tumapos sa comeback hopes ng Nuggets.