Advertisers
Inuulan ng batikos ng Makabayan bloc ang pagtatambak ng white sand sa Manila Bay. Marami ang nagmamarunong at nagrereklamo na sa gitna raw ng pandemya ay hindi makakatulong ang unahin ang paglalagay ng white sand sa nasabing parte ng Manila Bay.
Ang mga Pinoy nga naman, sala sa init at sala sa lamig. Pag walang proyektong nagawa, sasabihin nila hindi nila nakikita kung saan na napunta ang tax nila.
Panawagan din sa Makabayan bloc: Tigilan nyo na ang paninilip at paghahanap ng butas sa proyekto ng gobyerno, kasi pag may nahalungkat na naman sa inyo at hinamon naman kayo ng debate speechless kayo. Sagutin nyo muna ang mga tanong sa inyo bago nyo tabunan ng panibagong isyu ang gobyerno. – Nica Amorsolo
Aksyon ng Hawkers laban sa vendors sa Juan Luna, Divisoria
Good morning po. Regarding po sa column ni Mr. Bong Ramos ng Yanig nung Sept. 18, 2020, na ang title ay ‘KALYE NG JUAN LUNA NAMUMULAKLAK NA NAMAN ANG VENDOR’. Nais po namin na ipaalam na halos araw araw ay nagma-mopping kami sa Juan Luna at hinuhuli namin ang mga vendor na nadadaanan namin sa Juan Luna, Binondo side, at sa nasasakupan naman ng PS 2 ay wala na rin pong vendor dahil non-negotiable po ang Juan Luna at Mabuhay lane po siya. Paki-sabi nalang po kay Mr. Bong Ramos kung saan sa Juan Luna ang hindi madaanan ng sasakyan at umasa po siya na agad namin itong aaksiyunan. Maraming salamat po. – Sammy Dueñas, Hawkers Task Force
Illegal parking at vendors sa 168 Mall sa Binondo, Manila
Gud morning. Kelan kaya maaksiyunan ang reklamo namin tungkol sa illegal na parking ng motorsiklo at vendors? At kelan kaya mapa2litan lahat ng pulis d2 sa outpost ng 168? puro kurakot. Kelan lang pag-uwi ng ibang pulis may mga baon baon na plastic plastic na mga gulay. Ang kakapal ng mukha nila. – Concerned citizen