Advertisers

Advertisers

2 LOLA NA NAG-100TH BDAY, BINIGYAN NG P100K NI ISKO

0 307

Advertisers

TUMANGGAP ng tig-P100,000 kay Manila Mayor Isko Moreno ang dalawang centenarian na nagdiwang ng kanilang ika-100 taong kaarawan kahapon sa Maynila.

“Happy 100th birthday po sa ating mga lola na sina Felicidad Arcilla at Remedios Reyes,” ayon kay Moreno.

Nabatid na personal na pinuntahan ng kawani mula sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), ang dalawang lola para ihatid at ipagkaloob ang P100,000 dahil sa naabot nitong 100-taong kaarawan.



Ayon kay Moreno, patuloy niyang ipaparamdam ang pag-aalaga sa mga senior citizens sa tulong ng mga programa ng OSCA.

“Paalala ko po sa ating mga lolo at lola na palaging mag-ingat lalo na po tayo’y may kinahaharap na pandemya. Always take care and stay safe po!,” dagdag pa ni Moreno. (Andi Garcia)