Advertisers

Advertisers

EEI CORP, NILABAG IATF PROTOCOL!

0 945

Advertisers

MALAKI ang responsibilidad na dapat panagutan ng management ng EEI Corporation sa pagkalat ng nakamamatay na COVID 19 virus sa kanilang yarda sa bayan ng Bauan, Batangas. Tinatayang may 62 na ang mga empleyado nito ang nahawa na sa virus na ito.

Ang totoo pala ay noon pang September 19, 2020 unang nadiskubre ng management ng EEI Corp. na may walong workers dito na positibo sa COVID 19, ngunit walang karampatang naging aksyon ang mga top brasses ng nasabing kompanya.

Inilihim pa ng EEI Corporation management, partikular ang safety department nito ang pagkakaroon ng COVID19 sa loob ng kanilang yarda.



Nasa Brgy. Sta Maria at Bolo ng munisipalidad ng Bauan, sa probinsya ng Batangas, ang kinaroroonan ng fabrication shops ng EEI, na may tinatayang 700 opisyales at empleyadong nagsisipagtrabaho noong buwan ng Marso 2020.

Ngunit dahil sa takot na mahawahan nga ng COVID 19 ay may 300 officials at employees na lamang ang nalalabing nagsisipasok sa trabaho nitong buwan ng Setyembre.

Unang-unang isinisi ng mga manggagawa at ng local government unit (LGU) sa EEI Corp. ang hindi pakikipag-coordinate ng management nito, partikular ang Safety, Health, Environment and Security department ng naturang kompanya sa barangay chairman at opisyales na may hurisdiksyon sa nasabing company.

Hindi rin ipinaalam ng nabanggit na departamento na nasa ilalim ni EEI Assistant Vice President-Safety, Health, Environment and Security, Michael D. Arguelles sa lokal Task Force Anti-Covid 19 ang namamayaning sitwasyon sa mga compound ng nabanggit na yarda.

Higit sa lahat hindi malinaw at tiyak na action plan ang EEI kontra-COVID 19, ayon sa LGU.



Isinisi din ng mga apektadong empleyado sa kapabayaan at kawalan ng masusing pagsubaybay at paggabay sa kanyang mga safety officers ni Arguelles sa paglaganap ng COVID 19 sa nabanggit na yarda.

Anila, malaki din ang kakulangan sa kaalaman ng mga tauhan ni Arguelles na nanunungkulan pa namang National President ng Safety Practitioners of the Philippines, sa Safety and Health protocol na ipinaiiral ng COVID-19 Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Nakarating lamang sa kaalaman ng mga barangay officials nang magkaroon ng kaguluhan sa mga yarda ng EEI dahil sa takot ng mga manggagawa na mahawahan ng COVID 19. Agad namang nag-ulat sa Bauan LGU ang nasabing mga barangay officials.

” Nagkaroon po lamang ng komosyon among the workers kasi natatakot yong mga trabahador na nasa loob ng yarda at nagpupumilit na lumabas sa kanilang quarantine facility so tinawag po ang aming atensyon thru Brgy. Sta Maria”, ang pahayag ni Bauan Municipal Administrator, Atty. Ava Beatrice Jackqueline Talag.

May itinalaga na palang isolation facility sa compound ng EEI fabrication yard ngunit halu-halo ang mga COVID positive sa ibang mga empleyado at di rin ipinaaalam ng mga tauhan ni Arguelles sa barangay at maging sa local Task Force.

“Dumaan po ang ilang araw, wala po silang ginagawa at hindi po sila nakikipag-coordinate sa barangay at maging sa local task force. Supposedly nag-contact tracing po sila doon, malawakang contact tracing para masegregate kung sino yaong mga direct contact, ang nangyari po doon ay diretso pa din ang operasyon ng EEI.

Yong iba pong mangagawa pinili nang lumabas kahit mawawalan ng trabaho maging ligtas lang po ang kanilang kalusugan, mayroon naman pong iba na nanatili doon sa loob kasi natatakot din sila na magkaroon ng masamang record sa kompanya”, ang kumpirmasyon pa ni Atty. Talag.

Ang EEI Corporation ay isa sa prestihiyoso at pangunahing construction company sa bansa dahil sa mataas na kalidad nitong serbisyo at mahuhusay na manggawa kaya nga isa ito sa iilan sa Pilipinas na quadruple-A rated na General Engineering Contruction Company.

Maipagmamalaki ng EEI ang nagawa nitong mga power plants, refineries, petro-chemical plant, mining facilities, school building, hospital, kalsada, tulay, daungan, airports, flood control system at ibat- ibang mga flagship projects.

Sa kabila nito ay nabahiran ang imahe ng EEI Corporation dahil lamang marahil sa kapabayaan sa tungkulin at di pagsunod sa umiiral na batas ng ilan sa mga safety officers nito, sa pamunmuno ni Arguellles. Abangan ang karugtong…

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.