Advertisers
NALUNOD ang limang menor-de-edad sa isang ilog sa lalawigan ng Maguindanao nitong Linggo, September 27, 2020.
Kinilala ang mga biktima na sina Jenelyn Suizo, 8; Jennifer Suizo, 11; Rhea Balasa, 10; Rodelyn Balasa, 5; at Renalyn Balasa, 8-anyos, pawang residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao.
Sa ulat, naliligo ang magkakaibigan sa Simuay River sa bayan ng Sultan Kudarat nang biglang nawala ang mga ito.
Ayon kay Municipal Administrator Banjo Mampun, swerteng nakaligtas ang isa sa mga biktima na si Jenelyn na siyang nagbigay-alam sa mga magulang nito hinggil sa aksidente.
Dahil dito, nagtulong-tulong ang mga residente sa lugar upang mahanap ang iba pang biktima. Natagpuan ang isa sa mga ito, si Renalyn, na wala nang buhay.
Patuloy ang ginagawang search and retrieval operation sa tatlo pang nawawala.(PFT team)