Advertisers
BINAWIAN ng buhay ang vice mayor ng Ramon, Isabela dahil sa sakit.
Kinilala ang yumao na si Vice Mayor Nestor Banhan, residente ng Planas, Ramon
Inihayag ni SB Member Samson Ulban na noong Lunes, September 21, 2020, dinala sa pagamutan si Banhan, ngunit nitong tanghali ng Linggo ay binawian ito ng buhay sa atake sa puso.
Sa report, tatlong terminong nagsilbi si Banhan bilang Sangguniang Bayan member bago kumandidatong Bise Mayor at nanalo.(PFT team)