Advertisers
SUGATAN ang tatlong pulis nang tambangan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bahagi ng Mabaho Road, Brgy. Cablawa, bayan ng Mansalay sa Oriental Mindoro.
Sa report na inilabas ng Police Regional Office 4B o MIMAROPA galing sa pagpapatrulya ang ang mga nasabing pulis nang paulanan sila ng bala.
Kinilala ang mga sugatan na sina P/Cpl. Vincent Dominguez, P/Cpl. Michael Librea at Pat. Norman Alvaro.
Nabatid na pabalik na sana sa kanilang kampo ang patrol jeep lulan ang limang pulis mula sa 403rd Mobile Company ng Regional Mobile Force Batallion 11:30 nitong umaga nang mangyari ang pananambang.
Sa report, hindi nakuntento ang mga rebelde at sinunog pa ang sasakyan ng mga pulis.
Sa ngayon ongoing ang manhunt operation ng PNP laban sa mga rebeldeng NPA.(PFT team)