Advertisers

Advertisers

3 konsehal sa Maguindanao inambus: 1 nasawi, 2 sugatan

0 239

Advertisers

PATAY ang isang konsehal at sugatan ang dalawa pang kasamang kapwa konsehal nang pagbabarilin ng sa bayan ng Guindulungan, Maguindanao.
Kinilala ang nasawi na si Councilor Morcid Lauban, habang ang mga sugatan niyang kasamahan ay hindi pa pinangalanan.
Sa ulat, nangyari ang pamamaril nitong Lunes, 7:00 ng umaga, habang binabaybay ni Lauban ang national highway lulan ng kaniyang kulay itim na Toyota Hi-Lux nang pagbabarilin ito ng mga nakasakay sa motorsiklo.
Sa ngayon, inilagay nasa half mast ang mga watawat sa municipal hall ng Guindulungan bilang pagpapakita ng pakikiramay sa sinapit ng naturang konsehal.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa pamamaslang.