Advertisers
MALAKI talaga ang nagagawa sa career ng isang artista kapag nagkaroon ng malaking pangalan sa showbiz lalo na’t kung mahusay umarte.
Tulad ni Rosanna Roces na dumaan man sa maraming bagyo sa personal na buhay at kanyang karera ay nananatiling nakatayo at matatag.
Hanggang ngayon kahit sa gitna ng pandemya at pagkakasara ng ABS-CBN na nakagawa siya ng ilang regular shows ay hindi pa rin nawawalan ng offer sa mahusay na actress.
Hayan at hindi pa naipalalabas sa sinehan ang kanyang latest Viva movie na “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar,” this year ay tatlong magkakasunod na pelikula ang gagawin ni Osang.
Mauunang i-shoot ni Osang ang SK project niya kay Direk Joven Tan na hindi pa niya alam ang title, pero napapanahon daw. Ang character ng gagampanan ng actress ay si Luisa na isang OFW na umuwi para makasama ang kanyang mga anak, only to find out na tulak pala ng droga ang kanyang panganay.
So tatalakayin ng pelikula ang pagkakasira ng isang pamilya at pasok dito ang anti-drug campaign ng gobyerno. Ngayong October 1 hanggang 3 ay gay series ang gagawin ni Osang na ididirek naman ng kaibigan niyang si Direk Adolf Alix Jr na nakasama na niya sa ilang dekalidad na mga proyekto na isa rito ay nagkamit siya ng acting award.
Tapos malapit na rin siyang mag-shooting ng follow-up movie niya sa Viva Films na “KAKA” na pagbibidahan nina Sunshine Guimary at Jerald Napoles at si GB San Pedro ang kanilang director. Soon ay ipalalabas na sa mga sinehan ang Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar na maglulunsad sa bagong sexy star ng 2020 na si AJ Raval and this is directed by blockbuster young director Darryl Yap.
May dalawa pang naka-line up na projects si Osang na parehong ididirek ni Darryl Yap ang movie with Nora Aunor at yung sa kanila ng BFF na si Sylvia Sanchez na “Revirginize” na iko-co-prod daw ni Ibyang. Intended ito sa Netflix at ang Viva Films ang siyang magdi-distribute ng nabanggit na movies.
***
DJ/Musician/Businesswoman Liza Javier Mas Lalong Gumanda Sa Mga Popular Beauty Products Na Ginagamit Na Made In Japan
Pagpapaganda at tutok sa kanyang career at negosyo ang inatupag ng DJ and Musician na si Liza Javier ngayong panahon ng pandemya. Kung ma-i-stress daw siya pano ang kanyang sarili at pamilya.
Saka wala raw siyang karapatan na magpaapekto sa Covid-19 dahil madalas siyang humarap sa camera para sa kanyang live internet show sa TIRADABALITA.com na mapapanood niyo worldwide Mon-Fri at 12MD to 2 AM (Philippine Time) na maraming supporters ang Deejay-Singer. Kilala rin si Liza sa pangalang Liza Vertical sa Osaka, Japan at iba’t ibang bansa at soon ay muli siyang tatanggap ng parangal sa GAWAD AMERIKA AWARDS.
Naging suki na si Liza ng nasabing prestigious international award-giving body sa California. Pinaka tine-treasure niyang award na tinanggap ay ang MRS GAWAD AMERICA noong 2018.
Para naman sa kanyang singing career ay nakapag-perform na rin with the band sa iba’t ibang sikat na Music Bar sa Japan si Liza at patok sa kanyang fans ang cover songs ng mga kantang Tag Price ni Jessie J at Love You Like Love Song na popularized by Selena Gomez na mapapanood sa official Facebook account ni Liza. (Peter S. Ledesma)