Advertisers

Advertisers

Miggs Cuaderno 2 beses mapanunood sa ‘Wish Ko Lang’

0 520

Advertisers

MASAYANG ibinalita sa amin ng award-winning young actor na si Miggs Cuaderno na mapapanood siya ng dalawang beses sa Kapuso TV show na Wish Ko Lang sa darating na October.

Kuwento niya sa amin, “Ibabalita ko lang po sa inyo na nag-guest po ako sa GMA’s Wish Ko Lang… kasama ko po sina Katrina Halili na nanay ko po rito at ang tatay ko naman ay si Dominic Roco.

“Nakakalungkot po ang story nito, ito po ang story ng nanalo sa lotto ng P25 million.”



Patuloy pa ni Miggs, “Iyong isa ko naman pong guesting sa Wish Ko Lang, ang makakasama ko po ay sila Barbara Miguel…

“Bale, ngayon lang po kami ulit nagsama mula pa noong Munting Heredera. Makakasama rin po namin dito sina Neil Sese at Angelika dela Cruz, sila po ang tatay at nanay namin.

“Ang story naman po nito, isang pamilyang taga-Palawan na nakain ng buwaya ang anak. Pareho po iyang lalabas this October, sana po mapanood n’yo po.”

Nabanggit pa ni Miggs na enjoy siyang makasama sina Katrina at iba pa niyang co-stars sa nasabing show.

“Enjoy po akong katrabaho sila, like, madalas po kaming nagsasama ni ate Katrina lalo na noong buhay pa si direk Maryo (J. delos Reyes). Nakakasama ko po siya sa mga events ni direk, pati sa Bohol po magkasama kami ni ate Kat. Masaya pong kasama si Ate Kat at madalas siyang mag-joke.”



Pahabol pa ni Miggs, “Opo, enjoy akong makasama sila kasi mga kababata ko po sila Barbara Miguel at yung isang nakasama ko sa unang episode na si Mycko, kasama ko siya sa Cinemalaya film po na Ang Guro Kong Hindi Marunong Magbasa.

“Mga mahuhusay po mga nakaka-work ko sa Wish ko Lang like Tina Paner po, naging mag-nanay na rin kami sa Kambal Karibal.

“Si Angelika dela Cruz, naging nanay ko na rin po siya sa Magpakailanman noon, na ang director namin ay si direk Maryo J.,” saad pa ni Miggs na kaabang-abang sa pinagbibidahang pelikulang Magikland na isa sa entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong December 25. (Nonie V. Nicasio)