Advertisers
HINDI raw pinagsisihan ni Regine Velasquez-Alcasid ang ginawang paglipat sa ABS-CBN mula sa GMA 7.
“Not at all. Kapag tinatanong ako, ‘do you regret it?’ I don’t, I will never regret anything,” pahayag ni Regine sa panayam sa kanya ni G3 San Diego sa “LiveWithG3.
“It was my decision to go back to ABS, because I wanted to experience something else, something new. I wanted to work with the people that I used to work with before but was not able to anymore because of the whole GMA-ABS thing. I just wanted to experience that,” patuloy ng Asia`s Songbird.
Year 2018 nang magdesisyon si Regine na maging isang Kapamilya pero heto nga at biglang nangyari ang hindi inaasahang pagsasara ng ABS-CBN.
Pero nagpapasalamat pa rin si Regine sa nagawa niya sa ABS-CBN ang na-miss niyang gawin na pagkanta.
“Before the pandemic, I was able to experience it naman, eh. Ang dami kong nagawa before, hindi na nga nabigay yung renewal ng ABS, marami naman akong nagawa. Also in a way, parang nabuhayan ako ulit kasi, first of all, I was singing, parang na- maximize ulit ang pagiging singer ko because I was doing ASAP every single week.
“Like in one show, I would sometimes have three numbers. So, that`s a lot. And I was so looking forward to performing every Sunday,” aniya.
Sobrang na-enjoy daw niya doing ASAP at kahit wala na sa free channel ay nag-e-enjoy pa rin naman daw siya dahil napapanood pa rin ito ngayon sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.
***
SA kanyang YouTube Channel ay sinagot na ni Tony Labrusca ang gay rumors at nilinaw ang maling pag-aakala sa kanya.
Sabi ni Tony, frustrated siya sa gay rumors dahil mas pinag-uusapan daw ng tao kung siya ay gay kaysa kakayahan niya bilang actor. Pakiramdam daw niya ay nababalewala ang hard work na ginagawa niya para mapansin ang kanyang acting talent.
“I don’t identify myself as homosexual. But I don’t think that matters anymore. Even if I said I wasn’t gay, the people who think I am gay are going to keep on believing that I`m gay. There is nothing I can do that would change their mind because they think I dated this person, or they think that I had sex with this person because this tabloid said that. So, that`s out of my control, you know what I mean?
Tinapos ni Tony ang kanyang pahayag sa pagsasabing, “So my point is, whenever I say, whatever I do, whatever I identify as, It doesn’t matter. There are still gonna be people that hate me, because I`m me.” (Gerry Ocampo)