Advertisers

Advertisers

Caterpillar ride sa carnival nasira, 3 sakay tumilapon

0 177

Advertisers

SUGATAN ang tatlo katao kabilang ang isang 2- anyos batang lalaki nang masira ang upuan ng sinasakyan nilang caterpillar coaster ride sa isang carnival sa Barangay South Poblacion, Zambales nitong Martes.

Kinilala ang mga sugatan na sina Rosalinda Ulao, 24 anyos; batang itinago sa pangalang Gero; kapwa residente ng Barangay Bani, Masinloc; at Carla Mae Calbonge, 23, ng Sitio Mandaloy, Barangay Taltal sa nasabi ring bayan.

Ayon sa ulat, 10:30 ng gabi nang mangyari ang aksidente. Habang sakay ang tatlong biktima nang bilisan ng operator ng RUF Carnival na si Jay-Ar Salvador, 22, ng Barangay Abogado, Paniqui, Tarlac, ang ikot ng caterpillar ride hanggang sa makalas ang kinauupuan ng tatlo kaya tumilapon ang mga ito palabas ng ride.



Kaagad namang isinugod ng mga taong sumaklolo ang tatlo sa health center para sa agarang lunas.

Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Physical Injuries si Salvador.