Advertisers
TODAS ang isang magnanakaw ng motorsiklo nang makipagbarilan sa mga pulis sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Dead on the spot si Crisanto Reyes dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Sa natanggap na report ni Police Regional Office (PRO) Region 3 Director, Brig. Gen. Cesar Pasiwen, naalarma ang mga tauhan ng Cabanatuan City Police nang makatanggap ng impormasyon na isang motorsiklo ang ninakaw sa bahagi ng Barangay Kapitan Pepe nitong Lunes 12:30 ng madaling araw.
Namataan umano ng mga nagpapatrulyang pulis ang suspek (Reyes) na lulan ng sinasabing ninakaw na motorsiklo sa Purok Centerville, Brgy. Dionisio S. Garcia, Cabanatuan City.
Tinangka umanong parahin ng mga pulis ang suspek, pero binaril raw sila ng suspek. Dahilan para putikan nila ang “motornapper”.
Narekober sa encounter site ang isang motorsiklo, isang caliber .45 pistol at tatlong basyo ng bala.