Advertisers
TINULDUKAN ng UE Red Warriors ang kanilang three—game losing streak sa madiin na 81-51 pagdurog sa UST Growling Tigers sa UAAP Season 85 men’s basketball sa Mall of Asia Arena sa Pasay City Miyerkules.
Pinamunuan ni CJ Payawal ang opensa ng UE sa iniskor na 17 points, 8 rebounds at five assists para maangkin ang Player of the Game honors.
Villegas nagdagdag ng 16 marka on 6-of-8 shooting tampok ang four rebounds, one assists, one steal at two blocks.
Dahil sa panalo ang UE ay sumampa sa 4-5 rekord para sa season at ang susunod na makakaharap ay ang defending champion UP sa Sabado,Nobyembre 5.
“Ang instruction ko to the boys is to not make the game close. If we can break away right away, mas maganda sa amin,” Wika ni UE head coach Jack Santiago.
“I’m so happy with their performance, especially from the guys coming off the bench,” Dagdag pa nya.
Ang UE ay may 35 points mula sa kanilang bench players.
Adama Faye umiskor ng 23 points, at 18 rebounds para sa Growling Tigers. Ang nag-iisang UST player na may twin-digit scoring.
ANG UST, ay nabaon sa 1-7 at makakatous ang Adamson Soaring Falcons sa Sabado sa parehong venue.
Ang Iskor:
UE 81 – Payawal 17, Villegas 16, Tulabut 8, Sawat 6, Antiporda 6, N. Paranada 6, Remogat 5, K. Paranada 4, Stevens 4, Pagsanjan 3, Beltran 3, Guevarra 3, Abatayo 0, Langit 0.
UST 51 – Faye 23, Pangilinan 8, Cabanero 7, Manalang 4, Manaytay 4, Escobido 2, Lazarte 2, Valentin 1, Calimag 0, Garing 0,