Advertisers

Advertisers

PBBM ININSPEKSYON ANG MAGUINDANAO; 110 NA ANG NASAWI!

0 172

Advertisers

PINANGUNAHAN nitong Martes ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. ang aerial inspection sa buong Maguindanao province, isa sa matinding naapektuhan ng Severe Tropical Storm “Paeng” nitong weekend.

Sa kanyang pag-inspeksyon sa probinsiya, pinangunahan din ng Pangulo ang pamamahagi ng goods at financial assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.

Inupuan din niya ang situation briefing sa mga opisyal ng Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, at iba pang local executives sa Datu Odin Sinsuat.



Inatasan ng Pangulo ang mga Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) and at iba pang government agencies na patindiin pa ang search and rescue operations sa probinsiya ganundin ang pamamahagi ng reliefs sa mga erya na hinagupit ng bagyo.

Hanggang nitong Martes, 61 casualties ang naitala sa limang munisipalidad, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa Maguindanao.

Sa naturang bilang, 42 ang naitala sa Datu Odin Sinsuat, 8 sa Upi, 7 sa Datu Blah Sinsuat,3 sa Barira, at isa South Upi.

Isinailalim narin ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim ang buong rehiyon sa state of calamity.
Nitong Lunes, pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo sa Noveleta, Cavite.

Patay kay ‘Paeng’ higit 110 na
IPINAHAYAG ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na lumobo sa 110 ang death toll sa pananalasa ng bagyong Paeng sa bansa, habang 66 pa ang nawawala.



Sa bilang ng mga namatay, 73 ang kumpirmado habang 28 ang bina-validate pa.

Mahigit kalahati ng mga nasawi ay dahil sa baha at pagguho ng lupa.

Karamihan ng namatay kay “Paeng” ay mula sa Bangsamoro region, 53; Western Visayas. 22; habang 12 sa Caabarzon.

Samantala, 758 kabahayan naman ang winasak at 4,863 ang na-damage ng bagyo.

Sumampa naman sa P1.33 bilyon ang tinatayang pinsala sa agrikultura, habang P760.3 milyon sa imprastraktura. Subic, Zambales; Mercedes, Camarines Norte; Olongapo City, Zambales; Carmona, Cavite.

At dahil sa lakas ng lindol na tumama sa Abra, napinsala ang ilang gusali at bahay.

May ilang gusali na tumagilid, habang ang iba nagkaroon ng mga bitak.

Napinsala din ang World Heritage Site na Calle Crisologo sa Vigan, Ilocos Sur.

Wasak ang mga heritage house at nadaganan ng mga bato ang mga sasakyang naka-park.

Kasama rin sa mga napinsala ang Syquia House, Favis House, Vigan Cathedral at iba pang heritage houses.

Nadurog ang ilang bahagi ng Bantay Bell tower Ilocos Sur.

Habang sinusulat ang balitang ito, limang katao na ang iniulat na nasawi sa naganap na lindol.