Advertisers

Advertisers

Lalog bridge sa Isabela pinabagsak ni ‘Paeng’

0 275

Advertisers

CAUAYAN CITY – Nagpaliwanag ang local Disaster Risk Reduction and Management Office ukol sa dahilan ng pagbagsak ng Lalog Bridge sa Luna, Isabela .

Inihayag ni Engineer Jayson Tamayo, DRRM Officer 2 ng Luna, na ilang beses nang nasira ang naturang tulay bago bumagsak.

Sinabi ni Tamayo na nagsimulang masira ang Lalog Bridge noong bagyong Rosita at lalong lumala ang sira noong bagyong Ulysis bago bumagsak nang manalasa ang bagyong Paeng.



Ginawa ang nasabing tulay taon 2000.

Ang Lalog Bridge ang pangunahing daanan patungong mga barangay Macugay, San Isidro at Santo Domingo.

Pinapayuhan ang mga residente ng tatlong barangay na pansamantalang dumaan at umikot muna sa bayan ng Burgos at huwag tangkaing tuma-wid sa ilog gamit ang bangka.

Hindi na maaaring gamitin ang naturang tulay at kailangan nang mapalitan ng bago.

Mayroon nang plano para sa paggawa ng tulay noong 2018 nang magkaroon ng sira matapos manalasa ang bagyong Rosita.



Isasangguni sa pamahalaang lokal ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga residenteng naapektuhan ng pagbagsak ng nasabing tulay.