Advertisers

Advertisers

PBBM NAIS BAGUHIN ANG SISTEMA NG PAGBIBIGAY NG RELIEF SUPPLY SA MGA NASALANTA

0 165

Advertisers

NAIS ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na itigil na ang mga burukratikong gawi sa pamamahagi ng mga relief goods sa mga biktima ng kalamidad.

Sa isang situation briefing sa lalawigan ng Maguindanao, inalala ni Marcos ang kanyang karanasan noong ginagamit ang mga tiket sa pamamahagi ng mga relief goods sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda, na matinding tumama sa gitnang Pilipinas noong 2013.

Nalaman niya noon na kailangan ng ticket para makakuha ng tulong sa lokal na pamahalaan ang mga biktima.



Sinabi ni Marcos na dapat itigil ang gawaing ito dahil ang mga opisyal ng gobyerno ay dapat maggarantiya na ang lahat ng uri ng tulong ay makakarating sa mga biktima.

“Dumadaan ako, may nakita akong nakapila. May nagbibigay ng relief goods. Sabi ko, ‘Anong ginagawa niyo?’ Sabi ko, nakapila… ‘May hawak kaming ticket.’ ‘Bakit kayo may ticket?’ ‘Kasi ‘yung binibigay ng barangay captain, kung wala kaming ticket hindi kami bibigyan ng relief goods,’” pahayag pa ni Pangulong Marcos.

“Pinuntahan ko ‘yung barangay captain. ‘Bakit may ticket?’ Sabi niya, ‘Baka magdoble.’ Eh ano kung magdoble? Bigay niyo na lahat, just give everything. Yayaman ba ‘yung tao na nakadoble siya ng food pack? Hindi yayaman ‘yun… That just means the family will eat for another two to three days… So ‘wag na natin masyado intindihin ‘yung bureaucracy,” dagdag pa niya.

Basta paratingin natin ‘yung relief… Naghihingalo ‘yung tao eh, life and death sa kanila ito eh. Huwag na tayong maghintay na may ticket, huwag na tayo maghintay… Puntahan na lang natin, basta ibigay natin. Kung hindi magamit, hindi magamit… dalhin sa ibang lugar,” anang Pangulo.

Dapat aniyang maging mas episyente ang mga SOP sa kasagsagan ng mga natural na kalamidad at dapat itong maipatupad kaagad. “The LGUs have a bit of an advantage sa inyo dahil matagal na nilang ginagawa ito kaya’t may mga procedure na.



Binigyang-diin din ng Pangulo na dapat palakasin ang koordinasyon sa pagitan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at local government units, na dapat magkaroon ng higit na magkasanib na operasyon sa pagitan ng dalawa. (Vanz Fernandez)