Advertisers

Advertisers

67 Patay sa baha, landslide sa Maguindanao

0 362

Advertisers

Umakyat na sa 67 ang namatay, 30 sugatan at 11 ang nawawala sa Maguindanao dahil sa mga pagbaha at landslides dulot ng bagyong Paeng, ayon sa provincial disaster management office nitong Linggo.

Nasa 22 rin ang naiulat na nawawala, kaya magpapatuloy umano ang search and retrieval operations.



May apat na tulay sa lalawigan ang hindi naman madaanan matapos masira at pag-overflow ng mga ilog.

Sinimulan na ng local government unit ang pag-repack at pamimigay ng ayuda sa mga taong nasa evacuation centers.

Samantala, wala nang makikitang tao sa Brgy. Kusiong sa boundary ng mga bayan ng Datu Odin Sinsuat at Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao kasunod ng mudslide noong madaling araw ng Biyernes.

Base ito kay Fatima Kanakan, Program Director ng Rajah Mamalo Descendants Organization of Southern Philippines Inc, isang non-government organization para sa Indigenous Peoples sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Halos tumba na lahat ng bahay sa barangay maliban sa ilan na gawa sa semento.



Sinabi ni Kanakan na nagtungo siya sa ground zero noong Sabado at ibinahagi sa kanya ng mga nakaligtas sa mudslide bandang ala-1 ng madaling araw ng Biyernes ang pangyayari.

Dagdag ni Kanakan, mula Biyernes nagsimula na silang mag-ikot sa mga evacuation centers para magbigay ng tulong sa mga nakaligtas.