Advertisers
SUPORTADO ng ABS-CBN at Star Magic ang hakbang ni Liza Soberano na magsampa ng reklamong libel, threats, at unjust vexation sa Office of the City Prosecutor laban sa taong nag-post ng mapanirang komento tungkol sa kanya at nagbantang ipapa-rape siya.
Ang malisyosong paggamit ng social media ay hindi dapat na pinalalampas. Hindi dapat na ginagawang biro ang rape. Hinahangaan namin ang katapangan ni Liza na ipagtanggol ang kanyang sarili at protektahan ang dignidad niya bilang babae. Sana ay maging aral ito sa lahat na maging responsable sa paggamit ng social media at irespeto ang iba.
***
RHIAN RAMOS MAKIKI-LOVE TRIANGLE SA MAGDYOWANG DENNIS TRILLO AT JENNYLYN MERCADO
BALIK-taping na rin ang Kapuso Sweetheart na si Rhian Ramos para sa drama anthology na ‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly.’
Makakasama ni Rhian sa mini-series ang real-life Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, “Ang nakakatuwa sa kwento na ‘to, lahat ng three characters, lahat sila gray characters. Hindi sila perfect, hindi rin sila masama. Parang mga biktima sila ng circumstances nila.”
Bukod sa bagong series, malapit na ring sumabak si Rhian at co-stars niyang sina Carla Abellana, Mikael Daez, at Coney Reyes para sa lock-in taping para sa fresh episodes ng GMA Telebabad series na Love of my Life.
Mapapanood sina Rhian, Dennis, at Jennylyn sa ‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly.’ simula October 19 na sa GMA-7!
***
ROCCO NACINO NAIYAK SA SURPRESA NG SYOTA
Hindi napigilan ni Kapuso actor Rocco Nacino na maging emosyonal sa inihandang sorpresa ng girlfriend na si Melissa Gohing para sa kanilang 3rd anniversary.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng Descendants of the Sun actor ang 2-minute video na ginawa ng nobya na mapapanood ang kanilang memorable trips at adventures.
Caption niya sa video, “Happy 3rd Mi amor! Last week was a stressful week but Sept. 18 was definitely the highlight of this year for me. A beautiful surprise from my love @gohingmelissa on our 3rd Anniversary! Grabe ka dito love, thank you for always being the best at what you do, and what you do for me. I love you, Happy 3rd Anniversary to us Mi Amor.”
Sa huling bahagi ng video ay mapapanood si Rocco na umiyak sa sweet surprise ni Melissa.
Samantala, inaabangan na ngayon ng fans ang nalalapit na pagpapalabas ng fresh episodes ng Descendants of the Sun PH sa GMA Telebabad.
***
‘MAGANDANG BUHAY’ NAGBABALIK ANG NEW EPISODES, HALAGA NG PAGKAKAISA MENSAHE PARA SA MANONOOD
Magandang balita ang naghihintay sa mga mommy na miss na miss na sina momshies Melai Cantiveros,Karla Estrada, at Jolina Magdangal dahil magbabalik ang tatlo ngayong Lunes, 8 AM (Setyembre 28) sa new episodes ng “Magandang Buhay.”
Tuloy pa rin ang kanilang pagdadala ng saya ngunit magpapaalala rin ng halaga ng pagkakaisa ng mga Pilipino.
Maghahatid muli ang mga momshie ng inspirasyon sa kanilang viewers sa handog nilang mga kwento ng mga artista at kanilang mga pamilya na siguradong kapupulutan ng inspirasyon at aral.
Samahan si Prince of Pop Erik Santos sa isang masayang birthday celebration kasama ang momshies.
Pakatutukan din ang ilang sopresang hinanda ng “Magandang Buhay” para sa kanya at ang mga ibabahagi ni Erik na kwento sa mga Kapamilya.
Huwag palampasin ang bagong episodes ng “Magandang Buhay” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iWantTFC. (BKC)