Advertisers

Advertisers

Sarah pinasok na rin ang online selling, patok ang cake

0 277

Advertisers

MARAMING natuwa sa mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo  Guidicelli dahil sa pinasok nilang negosyo na pagbebenta ng cakes  sa  pamamagitan ng online selling na si Sarah mismo ang nagbe-bake.

Pinost  ni Matteo ang Lemon Blueberry Buttermilk cake at sabi niya, “my wife`s  Lemon  Blueberry Buttermilk cake #shesthebest.”

Dahil sa post ni Matteo ay dinagsa na sila ng mga close friend kung puwedeng matikman ang  ipinagmamalaking  cake  ni Matteo na bine-bake  ni Sarah.



“Taking  orders  soon. One week in advance per order,” sagot ni Matteo sa mga kaibigan.

Kaya ayun, nagkasunud-sunod na ang order, bukod sa mga kaibigan  ng  mag-asawa, maging ang followers ni Matteo sa Instagram  ay nagpahayag na gusto rin nilang umorder  ng cake ni Sarah.

Maging  ang mga fans nila abroad ay nagtatanong kung magsi-ship  sila internationally dahil gusto rin matikman ang baked cake  ng singer/actress. May nagtatanong din kung paano mag-order at kung  magkano.

Hindi  ito ang unang pagkakataon na nag-post si Matteo ng cake ni Sarah dahil pati mga cookies na gawa ng misis ay pinost nito at sinabing masarap.

***



ANGELICA MULING DINIIN, MAGBUBURO NA LANG SA KAPAMILYA PERO ‘DI LILIPAT

NAGPAHAYAG si Angelica Panganiban sa kanyang online show na Ask Angelica  na may offer siya na  show sa ibang network pero hindi niya tinanggap  dahil hanggang ngayon ay ayaw niyang lisanin ang ABS-CBN.

“If  lilipat ako, wag na lang. Kung walang maibigay na trabaho sa akin  ang ABS CBN, naiintindihan ko, pero di ako lilipat,” say ni Angelica.

Kaya  pala hindi sumama si Angelica sa ibang cast ng Banana Sundae na magkakaroon ng gag show sa TV5 na ididirek din ni Edgar Mortiz dahil ayaw talaga niyang lisanin ang Kapamilya Network.

Kung  sabagay ay mayroon pa naman siyang teleserye dahil kasama siya sa cast ng Walang Hanggang Paalam na magpi-pilot sa September 28. Katunayan ay ipinalalabas na ang teaser ng serye sa Kapamilya Channel.

Kasama  rin si Angelica  sa animation  na  Hayop  Ka!  na streaming sa Netflix sa October 29. Ang boses lang njya ang ginamit sa naturang animation na makakasama  niya rin si Robin Padilla.

***

HABANG nasa bakuran ng GMA Network ay ipinost ni Kris Bernal ang kanyang  larawan. Tanong tuloy ng kanyang fans ay renewal na raw ba ng kanyang kontrata ang pinag-uusapan?

Matatandaan nabanggit ni Kris na naging cause of depression niya  ang  hindi pa pagre-renew ng kanyang kontrata sa Kapuso Network. March pa kasi nagtapos ang  kontrata niya.

Hindi  kasi alam ni Kris kung anong gagawin niya at kung saan siya pupunta kapag hindi na na-renew ang kanyang kontrata sa Kapuso Network. Mahihirapan naman siyang lumipat sa ABS-CBN dahil ang iba ngang Kapamilya stars ay lumipat at lilipat  na sa Kapatid Network.

Pero may good news  naman na-share si Kris sa kanyang fans at ito nga ay ang muling pagbubukas ng kanyang  House of Gogi Korean restaurant na matatagpuan sa Banawe, Quezon City. (Gerry Ocampo)