Advertisers
NAI-RAFFLE na sa Las Pinas RTC ang drug case ni Juanito Jose Remulla III, anak ni Justice Secretary “Boying” Remulla.
Ang nasabing kaso ay napunta kay Branch 197 Acting Presiding Judge Ricardo Moldez II.
Matatandaan na noong nakaraang Huwebes hindi natuloy ang pag-raffle sa kaso, ayon sa Clerk of Court ng Las Piñas RTC, dahil nataon na mayroong convention ang mga hukom ng naturang araw.
Ang batang Remulla ay dinakip ng PDEA sa isang controlled -delivery ng mahigit isang milyon pisong halaga ng high-grade marijuana o “kush” na mula pa sa Estados Unidos.