Advertisers
IGINIIT ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na tila hindi nakatutok sa pagtugon ng COVID-19 pandemic ang panukalang 2021 national budget.
Pinuna ni Drilon ang kawalan ng pondo para sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang binawasang pondo ng Department of Health (DOH).
Ayon sa senador, ang kasalukuyang budget ng DOH ay P180 billion, bumaba ito ng P131-B.
Kinuwestiyon din ni Drilon kung bakit may mataas na pondo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of National Defense (DND) kumpara sa DSWD at DOH.
Muling iginiit ng senador na kailangang i-realign ang alokasyon para pondohan ang cash aid para sa mahihirap na pamilya na apektado ng pandemic at bigyan ng dagdag na pondo ang health sector.
“Ang sinasabing rason nadoble raw yung iba. Assuming na totoo iyan, magkano ba iyan? Sabihin natin na nadoble yung 4 million beneficiaries, anim na buwan silang walang kinikita. Dapat naging lenient na kahit papaano,” ani Drilon.
“Unang-una, may listahan yung DSWD. Iyan talagang outdated na dahilan sa dumami ang mahihirap dahilan sa COVID-19. Ano kung magkadoble? Ang liit niyang ayuda para sa mahihirap,” wika pa ng Senador. (Mylene Alfonso)