Advertisers

Advertisers

Bahay sa ilalim ng tulay: Baby nahulog sa butas, lumutang walang buhay

0 551

Advertisers

NAHULOG sa siwang ng barong-barong sa ilalim ng tulay ang dalawang buwan na babaeng sanggol Biyernes ng gabi sa Malabon City.
Sa ulat, natuklasan ng pamilya ng sanggol na si Zoey Joy Bonifacio ang insidente nang magising sila, 11:30 ng gabi dahil sa ingay na likha ng mga nagkakagulong naninirahan din sa ilalim ng tulay ng Estrella St., Brgy. Tanong.
Nang lumabas ng barong-barong si Mary Joy Bonifacio, ina ng sanggol, laking gulat niya nang makita ang anak na nakalutang na sa ilog at walang buhay.
Sa pahayag ng ina ng sanggol sa Malabon Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), katabi niya ang sanggol pati na ang kanyang mga magulang sa pagtulog sa kanilang tirahan sa ilalim ng tulay nang magising sila sa ingay at wala na ang sanggol sa kanilang tabi.
Ayon kay P/Capt. Andres Victoriano, duty desk officer ng Malabon Police, nahulog ang sanggol mula sa siwang sa sahig ng tirahan na hindi namalayan ng kanyang ina, lolo at lola.
(Beth Samson)