Advertisers

Advertisers

Mga ruta ng provincial buses na pinayagang makabiyahe sa Set. 30 inilabas ng LTFRB

0 318

Advertisers

ISINAPUBLIKO kahapon ng Land Transportarion Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 12 ruta ng mga provincial bus na balik-biyahe simula Setyembre 30.
Kabilang sa mga ito ang biyahe mula San Fernando sa Pampanga patungong Araneta Center sa Cubao at pabalik.
Gayundin ang mga biyahe mula Lemery, Lipa at Nasugbu sa Batangas; Indang, Mendez, Tagaytay at Ternate sa Cavite gayundin ang Calamba, Siniloan at Sta. Cruz sa Laguna patungong Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at pabalik.
Base sa Memorandum Circular na inilabas ng LTFRB, kinakailangan lamang kumuha ng QR code ng mga operator sa mga naturang ruta na ididikit sa harapan ng bus at kailangan din itong kabitan ng global navigation sattellite system upang ma-monitor ang kanilang biyahe. Pinaalalahanan rin ng LTFRB ang mga operator at tsuper ng mga bus na sumunod sa minimum health standards.
Giit pa ng LTFRB na bawal ang pagbaba gayundin ang pagsasakay sa mga hindi itinalagang stop over.
Paalala ng LTFRB sa mga commuters, na kailangan dalhin ang kanilang travel pass mula sa PNP, valid ID, written consent na pumapayag ang mga ito na sumailalim sa swab test o COVID-19 test at magpa-quarantine sa terminal na pinagmulan o pinuntahan sa oras na kailanganin. (Josephine Patricio)