Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NAGTATAKA si Senator Robin Padilla kung bakit nahuhumaling ang mga Pinoy sa Korean stars na kung tutuusin ay mas guwapo naman daw sila sa mga ito.
Sa ginanap na 2023 budget hearing ng Film Development Council of the Philippines ay sinabi ni Sen Robin,
Kami po ay naguguluhan dahil kapag tumitingin naman kami sa salamin mas pogi naman kami sa mga taga-South Korea. Wala naman inayos sa amin kasi itong ilong ko kahit suntukin nang ilang beses, walang inayos dito,” say ni Senator Robin.
Pagtatanong pa ng masang Senador. “Bakit po mas gustong panoorin ng ating mga kababayan ang gawa ng mga Koreano kaysa sa gawa natin?”
Matatandaang nagbigay din ng pahayag si Sen. Jinggoy Estrada na pinag-iisipan din niyang ipa-ban ang pagpapalabas ng Korean dramas sa bansa para tangkilikin at suportahan ng ating mga kababayan ang ating local shows and actions.
Paglilinaw naman ni Binoe sa kanyang Facebook page na wala silang balak na limitahan ang pagpasok ng foreign films and series sa bansa at sa halip ay magpapataw daw sila ng tax.
“Mabuhay! Wala po kaming panukala na limitahan ang pagpasok ng banyagang mga pelikula at teleserye.
“Magpapataw lamang po ng tariffa ang inyong lingkod upang makakalap ng salapi na ibibigay naman sa mga taga-industriya ng pelikula at telebisyon lalo sa mga iregular na empleyado na walang trabaho.
“Bilang inyo pong senador, kailangan po natin humanap ng solusyon sa suliranin na tumatama sa ating mga kabataan na naaapektuhan ng importasyon.
Mas dumami man po ang mga ito ay protektado po ang ating mga manggagawa.
“Ang industriya po ng pelikula at telebisyon pati po ang media ay pinamumugaran po ng unfair labor practice,” pahayag ni Sen Robin.
***
TGIS star Kim delos Santos may misyon sa may depression at anxiety
Marami ang natuwa sa dating TGIS star na si Kim delos Santos na nakapagtapos na ng kanyang Masters in Science of Nursing at Psychiatric Mental Health Nurse Practitioner sa America.
Ang isa raw sa misyon niya ay makatulong sa maraming tao na nakararanas ng depression at anxiety.
“Ngayon I graduated this year sa Masters, may concentration ng psychiatric mental health nurse practitioner. Master health is something that is more known now. Because a lot of people are experiencing depression, anxiety dahil sa pandemic. So I`ve decided to change the course,” say ni Kim nang mag-guest siya sa Bawal Judgemental ng Eat Bulaga.
“It`s been a journey but I made it. Now the hard part begins, passing the boards and looking for a stable job. I am excited for this new journey but I`m scared to grow up, being a dialysis nurse has been my comfort zone,” post pa niya sa Instagram.
Ang pagiging dating artista ay malaking tulong kay Kim para maka-relate sa mga pasyente.
“It`s a humbling experience kasi ang layo ng course ko sa pagiging artista eh. It`s more of me taking care of people, `pag artista ka, you`re pampered. Pero ang helpful sa akin is that, kapag artista ka, we`re very emotional. Depression, anxiety, pinagdadaanan natin `yan di ba? So we understand what they`re going through. May empathy na tayo, yun ang makakatulong. It`s almost the same ng pag-aartista, kasi you`re still helping people. `Pag artista you` re making them happy. Sa pagnu-nursing you`re making them better.
”Year 2004 nang magdesisyon si Kim mag-migrate sa America pagkatapos niyang makipaghiwalay sa mister na si Dino Guevarra.
Grabe hirap nga raw ang pinagdaanan ni Kim sa Tate na pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho.
Ayon pa sa dating TGIS star, ang ama raw niya ang nagpursige para maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa nursing.
Nandoong kahit may iniinda itong sakit ay patuloy lang sa pagta-trabaho para matustusan ang kanyang pag-aaral.