Advertisers
NAGPASALAMAT ang Commission on Elections sa Supreme Court sa pagbigay sa kanila ng tsansa para magsalita tungkol sa kanilang preparasyon para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, gayundin sa pananaw ng poll body sa paulit-ulit na postponement ng BSKE.
Sa kanilang press statement, sinabi ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, nagsalita si Comelec Chairman George Garcia sa oral arguments tungkol sa petition na kumukuwestiyon sa batas na nagpapaliban sa BSKE nitong Biyernes.
“In so far as the cases are concerned, as Comelec Chairman George Garcia had stated, the COMELEC will submit to the wisdom of the Highest Court and will comply with its orders, proces-ses, and most importantly, its decision on the Petitions,” sabi ni Laudiangco.
Nagpasalamat din si Laudiangco sa SC Justices sa pag-recognize sa Comelec sa kakayahan at competent nito sa paghahanda para sa pagsagawa sa BSKE “save only for lack of material time to pursue it to the end, brought about by circumstances attendant to the passage of Republic Act No. 11935.”
Nitong Biyernes, inatasan ng Supreme Court ang election lawyer na si Romulo Macalintal, ang Comelec, at ang Office of the President para magsumite ng memoranda sa BSKE postponement pagkatapos ng oral arguments.
Si Macalintal ang nag-file ng petition, hinihiling sa SC na atasan ang Comelec at ang Office of the President na pawalang-bisa ang pagpatupad ng Republic Act 11935, ang batas na nagpa-pagpaliban sa BSKE na gawin nalang sa Oktubre 2023 na dapat ay sa Dec. 2022.
Inatasan ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang Comelec na isama sa kanilang memorandum ang posibleng mga petsa sakaling mag-isyu ang SC ng ‘temporary restraining order’ (TRO) sa pagpapatupad ng batas.