Advertisers

Advertisers

Empleyada ng bangko, nasawi sa sunog

0 506

Advertisers

STA. CRUZ, LAGUNA – Nasawi sa sunog ang isang empleyado ng bangko sa Barangay Labuin, Sta. Cruz Sabado ng madaling araw.

Sa ulat ni Police Lt. Col. Chitadel Gaoiran, hepe ng pulisya, nakilala ang biktima na si Catherine Feliciano, 40 anyos, empleyada ng Land Bank, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SFO1 Rosauro Pagkaliwagan, BFP chief investigator,  12:35 ng madaling araw nang maganap ang sunog habang wala ang kabiyak ng biktima na si Paulo.



Bagaman agarang nakaresponde ang mga kagawad ng pamatay sunog sa lugar, hindi kaagad nakita si Feliciano dahil nagkulong ito sa comfort room kungsaan na-suffocate ito sa usok ng nasunog nilang bahay.

Tumagal ang sunog ng mahigit isang oras. Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.  (DICK GARAY)