Advertisers

Advertisers

Nursing student lumundag sa 10th flr. ng iskul, lasog!

0 188

Advertisers

LASOG ang isang 19-anyos na nursing student nang lumagapak sa sahig mula sa 10th floor ng unibersidad sa Mandaue City, Lunes ng umaga.

Inaalam pa ng pulisya kung tumalon ba o nahulog ang estudyanteng hindi na pinangalanan .

Sinubukan pa ng doktor ng paaralan na i-revive ang biktima ngunit bigo ito.



May posibilidad na ito’y pagpapakamatay, ngunit ibeberipika pa itoo ng pulisya, at iimbestigahan din ang lahat ng anggulo na maaaring maging sanhi ng pagkamatay ng estudyante.

Nirerebyu na ng pulisya ang mga available na CCTV footage sa lugar.

Sa ulat, 8:30 ng umaga, dumating ang biktima sa kanyang silid nguni’t ilang minuto lumabas din ito.

Batay sa kopya ng footage mula sa ikalawang palapag, nakitang mag-isang naglalakad papunta sa ika-10 palapag ang estudyante.

Wala naman umanong binanggit ang estudyante sa kanyang pamilya at mga kaibigan kung ano ang problema nito.



Inilarawan pa itong isang napaka-competitive at mahusay na estudyante sa paaralan.

Pinapaalalahanan naman ng mga otoridad ang mga magulang na laging kausapin ang kanilang mga anak lalo kung ito’y nalulungkot o balisa.