Advertisers

Advertisers

Enforcer binangga at ginulungan ng SUV na may blinker at wangwang

0 191

Advertisers

SUGATAN ang isang enforcer ng Land Transportation Office (LTO) nang banggain at gulungan ng SUV na sinita nito sa EDSA-Caloocan.

Sa ulat, makikita sa isang video ang LTO enforcer na si Butch Sebastian na hinaharap ang SUV sa northbound ng EDSA-Caloocan.

Pero umabante parin ang SUV kahit nasa harap niya ang enforcer, dahilan para masagi at masagasaan ang biktima.



Tumawag at humingi ng tulong si Sebastian sa kapwa niya enforcer.

“Binangga ako, Sir. May blinker, may wangwang pa. Pero hindi dapat ganun, Sir. Binabangga ako,” saad ni Sebastian.

Maya-maya pa, dumating ang isa pang enforcer at sinubukan niyang kunin ang lisensya ng driver. Pero hindi ibinigay ng driver ang kanyang lisensya hanggang sa sumaklolo ang isang pulis.

Ayon kay Sebastian, nagulungan ang kaniyang kaliwang paa dahil binawalan niyang pumasok sa U-turn slot ang SUV.

“Wag sana tayong aabot sa punto, na alam naman po natin sa sarili natin kung ano tayo, sino tayo. Ganoon din po ako. Alam ko rin po kung sino ako. Pakiusap lang, isang communication lang, boss baka puwede. At saka ‘yung salitang respeto po,” mensahe ni Sebastian sa driver ng SUV.



Sinabi ng LTO na suspendido ng 90 days ang lisensya ng driver.

Bukod sa kasong administratibo sa LTO, desidido si Sebastian na sampahan ng reklamong kriminal ang driver ng SUV.

Samantala, pinadalhan na ng show cause order ng LTO ang driver upang humarap siya at ang rehistradong may-ari ng SUV sa Miyerkules.