Advertisers

Advertisers

5 natabunan ng gumuhong lupa sa Bukidnon

0 175

Advertisers

PATULOY na nagsasagawa ng search and retrieval operations ang mga awtoridad sa limang tao na natabunan ng gumuhong lupa sa Sitio Mabuhay, Barangay San Luis, Malitbog, Bukidnon Lunes ng hapon.

Kabilang sa natabunan ang tatlong heavy equipment operators ng lokal na pamahalaan ng Malitbog.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagtatrabaho sa barangay road sa baba ng bundok ang backhoe loader operator na si Nerio Talines, dump truck driver na si Raffy Simprota, at dump truck helper na si Jordan Achas.



Dahil ilang araw nang nakakaranas ng malakas na ulan ang lugar, gumuho ang lupa sa bundok at natabunan ang tatlo at kanilang heavy equipments.

Hinahanap din ang katawan ng mag-asawang Lucrecio at Angelina Lauronal na kabilang sa natabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay.

Nasa loob ng bahay ang mag-asawa nang mangyari ang landslide.

Tumulong narin ang mga sundalo sa 16th Infantry Battalion sa pagsasagawa ng search and retrieval operations.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">