Advertisers

Advertisers

Sanggol nabagsakan ng niyog sa ulo

0 213

Advertisers

HABANG naglalaro kasama ang mga pinsan sa labas ng kanilang bahay, isang sanggol ang nabagsakan ng bunga ng niyog sa ulo sa Davao del Sur.

Nangyari ang insidente sa Sitio Bagsak , Barangay Kibuaya, Hagonoy noong Oktubre 1.
Emosyonal si Ching Lee Mendoza nang ikuwento ang sinapit ng isang taon gulang na anak na si Baby Audrey, na nawalan ng malay nang mabagsakan ng niyog sa kaliwang bahagi ng ulo.

Sa ulat, nagtamo ng mga pasa sa mukha ang sanggol.



“Sana ako na lang…kasi napakaliit pa niya para maranasan yung sakit,” saad ni Mendoza.

Nang hindi na gumagalaw ang bata at namutla, dinala ito sa ospital na malayo pa sa kanilang lugar.
Isang linggo matapos ang insidente, himalang nakaligtas si Baby Audrey.

Hindi na inoperahan ang bata at idinaan nalang sa gamutan. Kung hindi naagapan, maaaring nagtuloy-tuloy sa pagtulog ang sanggol hanggang sa ma-coma.

Unti-unting bumuti ang kalagayan ni Baby Audrey hanggang sa tuluyan na siyang pinayagan na makauwi. Pero kailangan pa ring ituloy ang gamutan sa bata at dapat na isalang muli siya sa CT scan para masubaybayan ang lagay ng pasa sa kaniyang utak.

Batay sa isang pag-aaral sa ibang bansa, sinasabing mayroong 150 katao sa buong mundo ang nasasawi bawat taon dahil sa aksidenteng nabagsakan ng bunga ng niyog.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">