Advertisers

Advertisers

Punuan ang mga jeepney sa Marcos highway

0 258

Advertisers

Punuan ang mga passenger jeepney sa along Marcos highway at along Ortigas avenue, hindi nasusunod ang social distancing. Maglagay sana ng mga highway patrol pulis para maipatupad ang social distancing sa mga jeep to avoid spread of covid. – Concerned citizen

Para kay Kap Egay ng Brgy. 28, Caloocan
Gud pm, Kap Egay ng Brgy 28, Caloocan City. Nais lang po namin ipaalam sa inyo itong nakaw na tubig dyan sa bagong palengke. Nagbebenta sila ng tubig na walang kuntador. Pano naman po kami na may mga kuntador? Matagal na po yan. Kasi yung mga sa trucking sila pala nagsusuplay ng tubig. Ang sabi pa, alam daw yan ng barangay kasi nagre-remit daw sila sa barangay, Kap. Paki-aksyunan naman po ito… – Concerned citizen

Makabayan bloc paki-explain…
Paki-explain naman Kabataan partylist Rep. Sarah Elago, Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite Eufemia Cullamat, ACT Teachers partylist Rep. France Castro, at Gabriela Women’s partylist Rep. Arlene Brosas kung bakit kayo na name-dropped ng mga nagpakilalang dating NPA? Sabi pa ng isang nagpakilalang si Ka Efren, ang lahat ng nominees ng partylists sa ilalim ng Makabayan bloc ay mga kasapi at cadre nila. Paki-explain kung bakit sinabi ng mga dating NPA na may basbas daw ng CPP ang pagpasok ng mga taga-Makabayan bloc sa kongreso.
Bakit nag-aalburuto kayo ng maiugnay kayo sa CPP-NPA eh humihingi naman pala kayo ng basbas sa CPP bago ninyo ipasok ang representante nyo sakongreso. Talaga yatang pinaiikot ninyo ang ulo ng mga Pilipino. Patunayan ninyo kung talagang hindi kayo komunistang terorista, makipag dayalogo kayo sa mga taga gobyerno para magkaalaman kung ano ang totoo. – Edgar Lalantacon

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">