Advertisers

Advertisers

P30M COLORFUL DANCING FOUNTAIN, BUBULAGA SA ANDA CIRCLE – ISKO

0 283

Advertisers

ISANG bago, maliwanag na Anda Circle na may mga makukulay at nagsasayaw na fountain at nagkakahalaga ng mahigit P30M ang pinakahuling karagdagan sa dumadaming listahan ng lugar sa Maynila kung saan puwedeng mag-selfie, at ito ay bubulaga na sa unang linggo ng Oktubre. Ito ang pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ang nasabing lugar na kilala rin bilang ‘Rotonda Anda,’ ay nagsisilbing ikutan ng mga sasakyan mula Bonifacio Drive patungong Port Area, Navotas, Malabon at Roxas Boulevard.

Binisita ni Moreno nitong weekend ang lugar at sinubok ang multi-million dollar, color dancing fountain na inasistihan nina city engineer Armand Andres, city electrician Randy Sadac at department of public service chief Kenneth Amurao.



Nagpahayag ng kasiyahan si Moreno sa naging rehabilitasyon ng Anda Circle, na katulad din ng iba pang maraming historical at heritage na lugar sa lungsod ay sinisikap ng pamahalaan na ayusin at pagandahin mula sa dating marumi, mabaho at napabayaang itsura nito.

Pinasalamatan ni Moreno si Amurao sa paglilinis ng lugar na puno ng basura at dumi ng tao mula sa mga palaboy. Maging ang monumento sa Anda Circle ay puno ng bandalismo.

Bukod sa pagiging malinis at hindi na mapanghe at mabaho ay pinasalamatan din ni Moreno si Andres dahil hindi halos makikilala ang lugar sa sobrang laki ng iginanda nito matapos ang rehabilitasyon.

Ayon kay Andres sa pagsisikap ni Moreno ay pinondohan ng Asian Terminals ang konstruksyon ng fountain na siyang main attraction at bagong karagdagan sa rotunda. Nabatid na ang fountain ay nagkakahalaga ng mahigitP30M COLORFUL DANCING FOUNTAIN, BUBULAGA SA ANDA CIRCLE – ISKO

ISANG bago, maliwanag na Anda Circle na may mga makukulay at nagsasayaw na fountain at nagkakahalaga ng mahigit P30M ang pinakahuling karagdagan sa dumadaming listahan ng lugar sa Maynila kung saan puwedeng mag-selfie, at ito ay bubulaga na sa unang linggo ng Oktubre. Ito ang pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno.



Ang nasabing lugar na kilala rin bilang ‘Rotonda Anda,’ ay nagsisilbing ikutan ng mga sasakyan mula Bonifacio Drive patungong Port Area, Navotas, Malabon at Roxas Boulevard.

Binisita ni Moreno nitong weekend ang lugar at sinubok ang multi-million dollar, color dancing fountain na inasistihan nina city engineer Armand Andres, city electrician Randy Sadac at department of public service chief Kenneth Amurao.

Nagpahayag ng kasiyahan si Moreno sa naging rehabilitasyon ng Anda Circle, na katulad din ng iba pang maraming historical at heritage na lugar sa lungsod ay sinisikap ng pamahalaan na ayusin at pagandahin mula sa dating marumi, mabaho at napabayaang itsura nito.

Pinasalamatan ni Moreno si Amurao sa paglilinis ng lugar na puno ng basura at dumi ng tao mula sa mga palaboy. Maging ang monumento sa Anda Circle ay puno ng bandalismo.

Bukod sa pagiging malinis at hindi na mapanghe at mabaho ay pinasalamatan din ni Moreno si Andres dahil hindi halos makikilala ang lugar sa sobrang laki ng iginanda nito matapos ang rehabilitasyon.

Ayon kay Andres sa pagsisikap ni Moreno ay pinondohan ng Asian Terminals ang konstruksyon ng fountain na siyang main attraction at bagong karagdagan sa rotunda. Nabatid na ang fountain ay nagkakahalaga ng mahigit P30M.

Sinabi pa ni Andres na maliban sa major landscaping ay muling pininturahan at ni-restore ang orihinal na kulay ng monumento. Naglagay din ng ilaw sa lugar para sa kapakanan ng mga motoristang dumadaan sa gabi.

Ang Anda Circle ay hindi lalagyan ng gate at papanatilihin ang sukat nito upang walang sagabal sa pag-ikot ng
360 degrees dito.

Kilala rin bilang Rotonda Anda ang lugar at ito ay ikutan sa boundary ng Intramuros at Port Area at palitan sa kanto ng Bonifacio Drive, Mel Lopez Boulevard, Andres Soriano Avenue (dating Aduana) at Roberto Oca St.

Ang monumento dito ay itinayo bilang pagkilala at parangal kay Simón de Anda y Salazar at sa kanyang inisyatibo na tutulan ang pananakop ng Britanya sa Maynila na nagsimula noong 1762. Si Anda ay Governor-General ng Pilipinas mula 1770 hanggang October 30, 1776.

Ang orihinal na monumento nito ay itinayo malapit sa Pasig River noong 1871 sa utos ni Governor General Carlos Maria de la Torre pero ito ay nasira ng husto noong World War II nang okupahin ng mga Hapon ang Maynila, kaya nilipat ito sa kasalukuyan niyang lugar sa Bonifacio Drive at ginawa itong monument circle matapos ang digmaan. (Andi Garcia) P30M.

Sinabi pa ni Andres na maliban sa major landscaping ay muling pininturahan at ni-restore ang orihinal na kulay ng monumento. Naglagay din ng ilaw sa lugar para sa kapakanan ng mga motoristang dumadaan sa gabi.

Ang Anda Circle ay hindi lalagyan ng gate at papanatilihin ang sukat nito upang walang sagabal sa pag-ikot ng
360 degrees dito.

Kilala rin bilang Rotonda Anda ang lugar at ito ay ikutan sa boundary ng Intramuros at Port Area at palitan sa kanto ng Bonifacio Drive, Mel Lopez Boulevard, Andres Soriano Avenue (dating Aduana) at Roberto Oca St.

Ang monumento dito ay itinayo bilang pagkilala at parangal kay Simón de Anda y Salazar at sa kanyang inisyatibo na tutulan ang pananakop ng Britanya sa Maynila na nagsimula noong 1762. Si Anda ay Governor-General ng Pilipinas mula 1770 hanggang October 30, 1776.

Ang orihinal na monumento nito ay itinayo malapit sa Pasig River noong 1871 sa utos ni Governor General Carlos Maria de la Torre pero ito ay nasira ng husto noong World War II nang okupahin ng mga Hapon ang Maynila, kaya nilipat ito sa kasalukuyan niyang lugar sa Bonifacio Drive at ginawa itong monument circle matapos ang digmaan. (Andi Garcia)