Advertisers
Kasong rape ang ipinaparatang sa isang alkalde ng Metro Manila na di na natin papangalanan.
Di makabasag pinggan at relihiyoso ang imahe ni mayor.
Ang kaso umanong panggagahasa ay naganap sa isang probinsiyang kalapit lamang ng Kamaynilaan (NCR).
Ang mabigat dito, galing umano sa ilang operators ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) ang milyones na kuwartang pinang~areglo sa kaawa~awang biktima.
No less than the chief of staff o yung tinatawag ng ‘most trusted man’ ni mayor ang nagmaniobra ng aregluhan blues.
Pati ang sandamukal na kuwartang galing sa sa mga Tsekwang operators ng POGO ay si COS/CA na rin ang nag~facilitate.
Galing sa isang political clan ang nasabing local chief executive.
Mana lamang umano sa kanyang erpat ang matulis na alkalde na isang certified chickboy din.
Ang siste, di pa rin napapagpag ang “kati” ni mayor up to now.
Apple of the eyes as in betka, kulasisi at kerida ng alkalde ang isang sitting city councilor ng kanyang siyudad.
Open secret ito sa apat na sulok ng city hall kung kaya’t parang si Jaworski na bantay~sarado kay kumander si yorme.
Pero kahit man to man at zone defense pa ang gawin ng misis ni mayor, madalas pa ring nakakalusot pa rin si mayor para mag~lay up, mag~dunk at mag 3~points shot kay Konsehala hehehe, Lahat umano ng diskarte at ‘moves’ ay utang na loob ni mayor sa kanyang coach cum tactician na si COS\CA.
O gets nyo na ba kung sino itong manyakis na mayor ng Metro Manila?
May kasunod…ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com