Advertisers

Advertisers

Top 30 ng The Clash Season 3, ipinakilala na

0 259

Advertisers

INANUNSYO nitong nakalipas na September 24 ang masuwerteng Clashers na pasok sa Top 30!

Sa listahan na inilabas ng The Clash, 13 lalaki at 17 babae ang maghaharap-harap at kikilatisin ng Clash Panel na binubuo nina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, at Comedy Queen Aiai Delas Alas.



Sino kaya sa kanila ang tatanghaling The Clash Season 3 Grand Champion?

Abangan ‘yan ngayong Oktubre sa GMA-7!

*** 

Dingdong Dantes, proud director ni Marian Rivera

Balik-taping na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes para sa ‘Tadhana’ at ang direktor niya ay ang asawang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.



Dahil sa community quarantine, sa bahay lang nagshu-shoot ang mag-asawa.

“Medyo nag-a-adjust pa rin sa mga trabaho dahil siyempre sanay tayo na lumalabas ng bahay ‘pag nagtatrabaho. Pero this time, dito sa loob ng bahay namin halos ginagawa lahat ng trabaho,” ayon kay Marian sa interview ng 24 Oras.

Kuwento naman ni Dingdong, humahanga siya sa husay ng asawa, “Ang saya. E, ikaw [Marian] ba naman lagi nakikita ko sa harap ng lente ko. Very prepared parati. Very professional. Higit sa lahat, mahusay talaga.”

Samantala, malapit na ring mapanood si Dingdong sa pagbabalik ng primetime series na “Descendants of the Sun PH” sa GMA Telebabad.

***

Bea Binene balik-taping na

Official na rin ang pagbabalik-trabaho ng Kapuso actress na si Bea Binene.

Ibinahagi niya sa kanyang Instagram story na ang kanyang unang acting gig ngayon ay para sa fresh episode ng drama anthology na Magpakailaman.

Noong hindi pa nagbabalik sa taping, naging busy si Bea sa kanyang online food business na Bea Bakes kung saan siya mismo ang nagbe-bake ng mga ibinebenta niyang cookies, muffins, at iba pa.(BKC)