Advertisers

Advertisers

94 estudyante, titser nalason sa lumpia

0 162

Advertisers

UMABOT sa 94 estudyante at guro sa isang eskwelahan ang dinala sa mga ospital nitong Lunes nang makaranas ng sintomas ng food poisoning sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Sinabi ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na 88 biktima ay mga Grade 4-6 students, habang ang iba ay mga guro ng San Francisco Elementary School sa Sablayan.

Sinabi ni Mark Jayson Tarinay, incident commander ng Sablayan MDRRMO, ang mga biktima ay kumain ng lumpia na binili sa labas ng paaralan 9:30 ng umaga.



Hapon nang makaranas sila ng sintomas tulad ng pagkahilo at pagsusuka.

Sinabi ni Tarinay na nakipag-ugnayan ang mga opisyal sa iba pang lokal na ahensya para dalhin ang mga estudyante at guro sa mga pasilidad ng kalusugan.

Ayon kay Tarinay, 22 pa ang naka-confine, habang ang iba pinauwi na.