Advertisers

Advertisers

Away sa sugal: 1 patay, 1 sugatan

0 273

Advertisers

PATAY ang isang ama at sugatan ang kanyang anak nang pagsasaksakin ng nakaaway sa sugal na dice sa Purok 2, San Vicente, Ilagan City.
Kinilala ang namatay na si Manuel Manaligod, 48; at sugatan ang anak nitong si Maxwell, 20, binata.
Nadakip ang suspek na si Ruben Eugenio, nasa hutong gulang, kapitbahay ng mag-ama sa Brgy. San Vicente, Ilagan City.
Sa imbestigasyon ng Ilagan City Police Station, nag-ugat ang pananaksak sa mag-ama makaraang magtalo sa halagang P50 na pusta sa sugal na dice.
Tumindi ang tensyon sa pagitan nina Manuel at Eugenio kaya tinangkang umawat ng nakababatang Manaligod. Sinasabing lasing si Eugenio.
Gayunman, sinuntok ng suspek ang binata at makaraa’y binunot ang dalang patalim sa pinagsasaksak ang mag-amang Manaligod.(PFT team)