Advertisers
INARESTO ang 48-anyos na lalaki nang ireklamo ng 17-anyos na babaeng kapitbahay ng pangmomolestiya sa Calasiao, Pangasinan.
Ayon sa biktima na itinago sa pangalang “Pamela,” na inutusan siya ng suspek na linisin ang bahay nito.
At nang nasa bahay na ang biktima, bigla itong sinunggaban ng suspek at hinawakan sa maseselang bahagi ng katawan.
Sa report, inalok pa ng suspek ang biktima ng P500 kung papayag na makipagtalik sa kaniya.
Pero natakot ang biktima at nagsumbong sa kaniyang ina kaya nadakip ang suspek.
Inihahanda na kaso laban sa kapitbahay upang hindi na umano ulitin ang ginawa kay Pamela.(PFT team)