Advertisers
AYAW pang lumabas ni Jayson Tatum at ng Boston Celtics sa mundo ng NBA restart sa bubble.
Ang malaking second half kambak ang nagpalawig sa kanilang panateli sa Walt Disney World.
Kumamada si Tatum ng 31 points at 10 rebounds,habang si Jaylen Brown nagdagdag ng 28 points upang idispatsa ang Miami Heat sa iskor na 121-108,sa Game 5 ng Eastern Conference finals kahapon sa Lake Buena Vista, Florida.
Abante ang Heat sa series 3-2, na ang game six ay sa Linggo.
Daniel Theis ay may 15 points at 13 rebounds para sa Celtics,habang si Kemba Walker umiskor ng 15 points,Marcus Smart nagdagdag ng 12,habang si Gordon Hayward bumakas ng 15 points para sa Celtics.
Goran Dragic umiskor ng 23 points bago na foulout sa 4;27 nalalabi para sa Miami,na nakakuha rin ng 20 points kay Duncan Robinson,Jimmy Butler nag-ambag ng 17,habang si Tyler Herro at Jae Crowder nagdagdag ng tig-14 puntos at Bam Adebayo 13 points para sa Heat.