Advertisers

Advertisers

HIGHWAY SA CALAMBA CITY, NAGMISTULANG ILOG

0 295

Advertisers

Nagmistulang ilog ang kahabaan ng National Road sa Barangay Halang, Calamba City nang bumara sa imburnal ang malakas na daloy ng tubig ng bumuhos ang malakas na ulan.
Ayon sa ulat, habang umuulan, mabilis ang paglalim ng tubig sa kalsada. At hindi nakadaloy ang tubig dalahi sa dalawang drainage na barado na naging dahilan ng pagbaha sa kalsada.
Sa pahayag naman ng isang opisyal ng DPWH, hindi umano maiwasan na magkaroon ng ganoon pangyayari sapagka’t kasalanan din ng mga tao.
Nagkakaroon daw ng mga baha dahil itinatapon nila ang kanilang mga basura kung saan saan kaya’t pumupunta ito sa ilog na nagiging dahilan ng pagbabara nito.
Paalala ng DPWH sa mga opisyal ng mga Barangay at mamamayan na sana ipunin ang kanilang mga basura at itapon sa tamang tapunan para hindi mangyari ang tulad na pagbabara.(PFT team)