Advertisers

Advertisers

2 sundalo patay, 3 sugatan sa atake ng NPA sa Samar

0 194

Advertisers

NASAWI ang dalawang sundalo at sugatan ang isang batang babae matapos salakayin ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa Eastern Samar, Biyernes ng madaling-araw.

Ayon sa impormasyon mula sa 803rd Infantry (Peacemaker) Brigade, ang mga sundalo na kasapi ng 52nd Infantry Battalion ay nagsasagawa ng Mobile Community Support Sustainment Operations sa Barangay Dorillo, Jipapad nang mangyari ang pag-atake.

Dalawa ring sundalo ang sugatan dahil sa insidente. Ibinaba ng mga residente mula sa bukid ang sugatang sundalo.



Hindi pa pinangalanan ang mga nasawing sundalo habang ginagamot naman sa ospital ang mga sugatan, kasama na ang 10 anyos na babae.

Kinondena ni Colonel Perfecto Peñaredondo, 803rd brigade commander, ang umano’y pag-atake ng mga rebelde at ipinag-utos niya ang pagtugis sa mga ito.- Mula sa ABS-CBN News