Advertisers
Nakatakdang imbestigahan ng isang Manila Congressman ang aniya ay ‘questionable and premature acquisition’ ng Grab sa Move It, kung saan maaring malagay sa peligro ang kapakanan kapwa ng mga rider at mga commuter na gumagamit ng kanilang serbisyo. Kapwa nago-operate ang mga ito sa pamamagitan ng commercial mobile apps na nagbibigay ng arawang serbisyo gaya ng deliveries at mobility.
Sinabi ni Congressman Joel Chua (3rd district) na motu propio, isang pagsisiyasat ang kailangang gawin ng Kongreso na ang layunin ay magkaroon ng batas na titiyaking may sapat na proteksyon ang mga riders at commuters.
Ang aksyon ni Chua ay bunsod ng mga tinanggap na liham mula sa Lawyers for Consumers’ Welfare and Protection na pinamumunuan ni Atty. Ariel Inton at the Digital Pinoys na pinamumunuan ni Campaigner Ronald Gustillo kung saan inilahad nila ang maraming isyu. Si Chua ay miyembro ng committee on transportation sa Congress.
Sa isang press conference na magkakasamang ginawa nina Chua, Inton, Gustillo, national convenor and chair of National Public Transport Coalition Ariel Lim at national chairman of Arangkada Riders’ Alliance national chair Rod Cruz, sinabi ni Chua na nakaka-alarma ang mga isyung inilahad ng mga liham sa kanya, gaya ng “systematic cutting of bikers’ income” at overpricing ng customers ng Grab.
Ani Chua, ang pagbili ng Grab sa Move It ay ‘premature,’ dahil ang ng mga naturang app riding services ay nasa pilot testing stage pa lamang. Ang technical working group (TWG) , aniya, ay tatlo lamang ang pinayagang lumahok — JoyRide, Move It at Angkas.
Nung December, sinabihan umano ng TWG ang Move It na permanenteng ipahinto ang bilihan sa Grab subalit itinuloy pa rin ito.
“Bakit lumabag ang Move It and pursued, samantalang ang ibinibigay sa kanila ay hindi karapatan kundi pribilehiyo lamang na kanilang nilabag. It would seen that the intention of Grab is is to go into the pilot testing na di sa kanila naibibigay pa… the TWG which gave them the authority to participate in the pilot testing is the one telling them to stop, so there is a violation or non-compliance with the directive,” ani Chua.
“Kaya daw itinuloy dahil pumayag ang Kongreso, DOTR, LTFRB but records show that nung first week of August nagkaroon ng acquisition when Congress convened only in July when President Ferdinand Marcos, Jr. delivered his SONA. Congress was still in the process of reorganizing committees and there were no chairmanships yet at that time. The DOTR and LTFRB, on the other hand, were still in a period of transition. There is a problem.. something is wrong and we cannot close our eyes dahil buhay ng tao nakasalalay dito,” dagdag pa ni Chua.
Inireklamo din umano na matapos pagmultahin ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Grab ng P65 million dahil sa overcharging at i-refund ang mga pasahero ng P24.5 million noong 2019, lumalabas ng P6 million pa lamang ang naibalik at maging ito ay dapat din umanong imbestigahan.
“Nakakatakot, kasi kung duon sa simpleng patakaran eh lumalabag sila, ngayon, buhay na ng tao ang nakasalalay dito. Sa motorcycle taxi, di na pagkain kungdi tao na ang isinasakay dito kaya dapat maproteskyunan natin mga pasahero at gayundin ang karapatan ng mga driver,” ani Chua.
Mabuti na lang at may mga mambabatas na kagaya ni Rep. Chua na mabilis umaksyon sa isyung ito. Pahirap at abuso ang ginagawa ng Grab na ‘yan.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.