Advertisers

Advertisers

License plate backlogs 90 percent target ng LTO tapusin sa 2023 year end

0 234

Advertisers

Wala ng magiging dahilan pa at pihadong malaki ang maitutulong nito sa pamunuan ng Philippine National Police sa pagbaba ng krimen sa bansa partikular yung mga kriminal na ang gamit ay sasakyang walang plaka isama na natin ang Rading in Tandem mga Ka Usapang HAUZ.

May mga kalaban kasi ang batas mga Ka Usapang HAUZ na nakakalusot sa paninita ng mga law enforcers kung bakit ang kanilang sasakyan ay walang plaka, tumbukin na natin ang mga motorsiklo na gamit ng hired killers, siyempre ang sagot napaka simple wala pang issue ang LTO.

Kaya ngayon wala na kayong kawala at palusot kasi target ng Land Transportation Office (LTO) na matapos ang kahit hanggang 90-porsyento ng produksyon ng mga backlog nito ng mga plaka ng sasakyan sa katapusan ng taong 2023 ang husay ano po?



Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III, mga Ka Usapang HAUZ gagamitin ng LTO ang sariling planta nito upang makagawa ng mga plaka kahit ilang porsyento ng kabuuang kakulangan bago matapos ang taon, LTO para sa bayan!

Para naman sa mga plakang hindi matatapos magawa ngayong taon, sinabi ni Guadiz na plano ng ahensya na kumuha ng serbisyo ng pribadong kumpanya upang kayaning makumpleto ang kahit 90-porsyento ng backlog pagsapit ng Disyembre ng susunod na taon.

Nauna nang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang P4.7 bilyong pondo para tugunan ang mga backlog sa mga plaka ng sasakyan bagamat ang hininging pondo ng LTO ay nasa P6.83-bilyon.

Eto na mga Ka Usapang HAUZ yung ipinaglalaban ni Agri Party List Representative Wilbert Lee sa kongreso na kapos ang P4.7 bilyon para mapunuan ang kakulangan sa pag-issue ng mga plaka ng sasakyan kaya nanawagan itong Mambabatas mula Sorsogon na tulungan siya ng kapwa kongresista na ipasa ang karagdagang pondo ng LTO para sa plaka ng mahigit sa 6 na bilyong piso.

Gayunman, nananatiling positibo ang LTO Chief na maaaprubahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang buong pondo na hinihingi nito para sa mga backlog ng plaka ng sasakyan.



Sa ngayon mga Ka Usapang HAUZ ay umaabot sa 2.3 milyong pares ng replacement plates o ang pagpapalit ng mga plakang may berdeng character at puting background tungo sa itim na character at puting background ang kailangang matapos. Mayruon namang 11.5 milyon ang backlog para sa mga plaka ng motorsiklo.

“Right now, we have already extended the operating hours of the LTO license plate manufacturing plant. It now operates even on Saturdays so that it can produce more replacement plates and reduce the backlog,” pahayag ng LTO chief Guadiz mga Ka Usapang HAUZ.

Batay sa datos ng LTO Plate making Plant, umaabot na sa mahigit 300,000 pares ng replacement plates ang nagawa hanggang nuong Oktubre 3 ng kasalukuyang taon. Nagsimula ang produksyon ng replacement plates nitong Mayo.

Samantala, binigyang-diin ni Guadiz na walang backlog ang LTO sa paggawa ng mga plaka para sa mga bagong rehistrong sasakyan.

Kaugnay naman ng sinisingil ng LTO para sa replacement license plates, sinabi ni Guadiz na idinideposito ito sa National Treasury araw-araw at kung kakailanganin ng pondo para sa paggawa ay hinihingi ito sa Kongreso o sa DBM, husay da best na idea!

Sa paggawa ng plaka para sa mga motorsiklo, sinabi ng LTO Chief na inuuna muna sa ngayon ang pagbibigay ng plaka para sa likuran at decal sa harapan ng sasakyan.

“Inuna na po namin muna ‘yung back plates. For the front, the thrust of the previous administration which we are adapting now is gagamit kami ng decal. We are anticipating the passage of the new law, so sa ngayon po, we will just address first the back plates, hindi muna yung sa harapan,” paliwanag pa ng LTO Chief.

Para makasiguro ang LTO chief na hindi magkakaroon ng aberya personal nitong binisita kasama ang kanyang Special Legal Assistant OASEC Atty. Alex Abaton ang LTO Plate-making facility na nasa loob lamang ng compound at alamin kung ano pa ang kakailanganin para sa tuloy tuloy na proseso sa paggawa ng mga plaka ng sasakyan.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036