Advertisers

Advertisers

Manifesto of support para kay Cayetano pinaiikot sa Kamara

0 291

Advertisers

Umiikot sa Kamara ang isang manifesto of support para hlingin na manatili si Speaker Alan Peter Cayetano bilang head ng kapulungan sa gitna ng term-sharing deal kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
Ayon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice, isa siya sa mga lumagda na sa naturang manifesto.
Nilinaw ni Erice na walang kapalit ang paglalagda nila sa manifesto na ito, taliwas sa alegasyon na sila ay makakatanggap ng malaking pondo para sa kanilang mga proyekto.
Sa katunayan, ayon kay Erice, isa siya sa may pinakamaliit na alokasyon na umaabot lamang ng humigit kumulang P400 million.
Tumanggi naman ito na sabihin kung ilang kongresista na ang lumagda sa manifesto, pero tinukoy na suportado si Cayetano hindi lamang ng mga napapabilang sa mayorya kundi maging sa minorya.
Kaugnay nito, sinabi ni Erice na hindi wasto para magkaroon nang pagbabago sa liderato ng Kamara sa kasalukuyang panahon lalo pa at problema pa rin ang COVID-19 pandemic. (Josephine Patricio)