Advertisers
UMAKYAT na sa 299,361 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 2,630 infection ngayong Biyernes, Setyembre 25, base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 921 new cases.
Sinundan ito ng Region 4A na may 589 at Region 6 na may 169
Nakapagtala naman ang DOH ng 494 na bagong gumaling mula sa covid 19. Dahil dito nasa kabuuang 233,399 na ang mga gumaling.
Nakapagtala naman ang DOH ng 69 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 5,196 na ang kabuuan.
May 24 duplicates naman na tinanggal sa total case count. Walo dito ay recovered cases.
Samantala may 15 kaso na naunang inulat na gumaling pero lahat ito ay namatay matapos ang final validation.(Andi Garcia/Jocelyn Domenden)